Umiskor si Cyrus Baguio ng 14 puntos at walong rebounds upang ibangon ang Hapee sa kanilang unang kabiguan kontra sa Ana Freezers, 64-80 noong Martes.
Pinangunahan ni JB Sison ang matinding atakeng inilunsad ng Teeth Sparklers sa second quarters upang kumawala at itala ang 26-23 pangunguna sa pagtiklop ng halftime.
"Parang kontrapelo kami ng Montana. Kinausap kami ng team owner na si Cecilio Pedro after the first game at nagising naman ang mga players na hindi puwede yung pabandying-bandying," pahayag ni Hapee coach Stevenson Tiu.
Mula sa 26-23 kalamangan sa halftime, nagtulong sina Sison at Baguio sa 15-4 salvo upang palobohin ang kanilang abante sa 41-27, 2:45 ang nalalabi sa third period na hindi na nagawa pang lingunin ng kalaban.
Higit pang umalagwa ang Hapee nang isalpak ni Ryan Dy ang dalawang basket na sinundan ng tres ni Baguio sa 14 puntos ng dalawang ulit na ang huli ay sa 54-40, 3:04 na lamang ang nalalabi sa laro.
Isa sa nakasama sa Montana ay ang kanilang 24 pagtatapon ng bola kung saan naka-iskor ang Hapee ng 17 puntos.