Japan, China pasok sa semis

Magaan na umusad sa semifinals ang mga world-class caliber volleybelles ng Japan 1 at China 1 makaraang padapain ang mga kalaban sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2nd Nestea Asian Volleyball championships sa CCP Complex.

Ang tambalang Japan 1 nina Ryoko Tokuno at Chiaki Kusuhara ay namayani sa parehas ng China 2 nina You Wenhui at Pan Wangye, 21-14, 21-13.

Bumawi naman ang China1 sa kabiguan ng kanilang team 2 nang silatin ng Chinese duo nina Han Bo at Sun Jing ang Thai 1 pair nina Manatsanan Pangka at Rattanaporn Arlaisuk sa tatlong sets, 23-25, 21-15, 16-14.

Makakalaban ng top seed Japan 1 sa semis ang magwawagi sa pagitan ng Thailand 1 at Thailand 2.

Habang ang Asian champion na China 1 ay maghihintay naman sa magwawagi sa pagitan naman ng mananalo sa pagitan ng China 2 at ang winner nang kasalukuyan pang naglalabang Australia 1 at Indonesia 1.

Sa iba pang resulta, Nagpakitang gilas ang mga Pinay sa losers brac-ket nang gapiin ng RP 2 ang Hong Kong belles, 15-21, 21-17, 17-15 ngunit yumuko sa tambalang Ni Putu Timy Yudhani Rahayu at Riesma Siswardi ng Indonesia, habang ang Philippines 1 na nakabye sa unang laro ng mga byes ay bumagsak sa kamay nina Summer Lochowicz at Kylie Gerlic ng Australia 1, 17-21, 15-21.

Dinaig naman ng New Zealand ang Indonesia 2, 21-18, 21-14 sa loser’s bracket ngunit yumuko naman ang Kiwis sa Thailand 2, 21-13, 21-17.

Namayani naman ang Japan 2 sa Australia 2, 23-21, 21-19,15-9, sa round of 9.

Show comments