Hawak ni Mayol ang 5-0 win-loss slate na may 4 na knockouts at sariwa pa ito sa pagposte ng panalo kontra Ken Nakajima, isa sa mahusay na fighters ng Japan.
"Mayol is a complete package," anang kingmaker na si Aldeguer. "He has everything--power, speed, skills and determination. What is lacking is experience."
Bukod sa Mayol-Kim encounter, tatlong iba pang Pinoy pugs ang magpapakita ng aksiyon sa promosyon na tinaguriang "War at the Waterfront" kontra sa kani-kanilang kalaban na dayuhan.
Haharapin ni Dindo Castanares si Dornchai Sakpanya ng Thailand, habang magpapalitan naman ng kamao sina Tirso Albia at isa pang Korean pug Kap Chul Choi at magbabasagan ng mukha sina Jaime Barcelona at Ryuichi Minoriyama ng Japan.