Mitsubishi Lancer Inernational Netfest balik aksiyon
March 31, 2001 | 12:00am
Magbabalik aksiyon ngayong linggo ang Mitsubishi Lancer International Junior Tennis Championships 18-years and below sa paglulunsad ng kanilang 12th edisyon ng annual ITF Group 2 event sa Rizal Memorial Tennis Center.
Magsisimula ang naturang tournament na ikatlong pinakamalaki at mahigpit na labanan ng mga junior campaigners sa Asia sa qualifying round para sa apat na slots sa 32-man main draw ng boys at girls division bukas.
Magwawakas ang patalaan para sa qualifying sa alas-6 ng hapon ngayon.
Magsisimula naman ang aksiyon sa main draw sa Martes matapos ang opening ceremony na dadaluhan ni Mitsubishi Motors Philippines (MMPC president at CEO Teruhiko Shibata, Philippine Sports Commission Tennis Association (Philta) head Buddy Andrada at iba pang MPP at sports officials.
Ayon kay Andrada, hindi bababa sa apat na Filipino sa bawat division ang ilalahok ng host country sa main draw bukod pa ang mga nasa qualifying round na magtatapos sa Lunes.
Limang ulit na nagwagi ang Philippines sa girls division bagamat bigo ang mga kalalakihan na magkampeon dito.
Unang nagreyna si Francesca LaO noong 1991 bago sinundan noong 1994, sumunod si Jennifer Saret (1992) at Maricris Fernandez (1995-97).
Nakipagtambal naman si Saret kay LaO sa doubles event upang ibulsa ang titulo noong 1992, habang nakipagpareha naman si Saret sa Indonesian na si Joice Suteja para sa titulo noong 1990, habang nakipagtambal rin si Marisue Jacutin sa Australian Amanda Graham para sa korona noong 1997.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended