Pinay Belles pinabagsak ng Thai Belles sa 2nd Nestea Beach Volleyball
March 31, 2001 | 12:00am
Kasabay ng pagpatak ng ulan, bumagsak din ang kampanya ng Pilipinas nang kaagad na bumagsak ang mga Pinay sa kamay ng kanilang mga kalaban sa panimula ng tatlong araw na 8-nation Asian Womens Championship ng 2nd Nestea Beach Volleyball sa CCP Complex.
Hindi nakayanan ng tambalan ng Philippines 1 na sina Johanna Botor at Helen Dosdos ang lakas nina Kamolip Kulna at Jarunee Sarnnok ng Thailand 21-13, 21-12 at hindi rin naging masuwerte ang Philippines 2 nina Sheryl Tumayao at Jennifer Buhawe na yumuko sa Indonesian pair nina Ni Putu Timy Yudhano Rahayu at Riesma Siswardini, 21-13; 21-14.
Samantala, ipinakita ng Japan 1 ang kanilang pagiging number 1 seed nang pabagsakin nina Ryoko Tokuno at Chiaki Kusuhara ang tambalan ng Thailand 2 nina Kamoltip Kulna at Jarunee Sarnnok, 21-18, 24-22.
Malakas din ang dating ng kanilang second team makaraang gapiin ng tambalang Noriko Nakamura at Tomoko Ukigaya ang parehas nina Judi Laprade at Tong Lai Ming ng Hong Kong 21-11, 21-15.
Sa iba pang laban, namayani ang Thailand 1 sa Indonesia 2, 21-10, 21-7; tinalo ng Australia 1 ang New Zealand, 21-14, 21-17, ngunit hindi naman naging masuwerte ang Australian 2 na yumuko sa malakas na China 1, 21-8, 21-10.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended