Inaasahang aagaw rin ng atensiyon ang dalawang koponan na lahok ng Pilipinas sa 16 koponan mula sa siyam na bansa kung saan siguradong dodominahin ito ng Japan at Australia na maghaharap para sa titulo.
Babanderahan ni Yoko Tokuno at Seiki Kusuhara ang Japan na makikipagpalitan ng mga pamatay na spikes kontra Kylie Gerlick at Summer Lochowics ng Australia.
Isa sa magiging tinik sa landas ng Japan at Australia ay ang tambalang Arawan Tongkam at Rataporn Larsaiku ng Thailand na nagsabing ibubuhos ang lahat ng kanilang lakas upang ipamalas ang pormang nagbigay sa kanila ng ginto sa nakaraang Asian Games.
Bukod sa mga nabanggit, magbibigay rin ng mahigpit na laban ang Indonesia, China, Indian Hingkong at New Zealand sa tatlong araw na event na ito ay itinataguyod ng Nestea Ice Tea at inorganisa ng Philippine Amateur Volleyball Association.