^

PSN Palaro

Pormalidad sa quarterfinals asam ng Purefoods

-
Makalapit sa twice-to-beat advantage ang layunin ng San Miguel Beer habang pagpopormalisa ng pagpasok sa quarterfinals ang puntirya ng Purefoods TJ Hotdogs, Barangay Ginebra at Batang Red Bull.

Sa pagpapatuloy ng umiinit na eliminations ng PBA All-Filipino Cup, mag-sasagupa ang TJ Hotdogs at Gin Kings sa pambungad na laban sa ganap na alas-5:15 ng hapon sa PhilSports Arena.

Kasunod nito ay ang tampok na engkuwentro ng Red Bull Thunder at SMBeer sa dakong alas-7:30 ng gabi.

Bukod sa makakalapit sa top four na mabibiyayaan ng bentaheng twice-to-beat sa quarterfinals phase kung saan ang no. 1 ay haharap sa no. 8; no. 2 vs no. 7; no. 3 kontra no. 6 at no. 4 vs sa no. 5, may iba pang importansiya ang panalo ng SMB.

Sa pamamagitan ng kanilang tagumpay, mapapahigpit ng San Miguel ang kanilang kapit sa ikalawang puwesto, makakabawi ito sa kanilang 76-78 pagkatalo kontra sa Thunder noong Pebrero 28 at makabangon sa nakaraang 71-79 pagkatalo kontra sa Purefoods TJ Hotdogs noong Linggo.

Hawak ng Beermen ang 7-4 kartada sa likod ng nangungunang Shell Velocity na may 9-3 panalo-talo at nakakasiguro na ng twice-to-beat advantage. Ang Red Bull ay may 6-5 record tulad ng Ginebra at walang larong Pop Cola Panthers.

Naging masaklap naman sa Thunders ang kanilang naging karanasan sa kanilang pagdayo sa Malolos, Bulacan sa isang out-of-town game kontra sa Sta. Lucia Realty.

Bukod sa nalasap na 85-95 pagkatalo kontra sa Realtors, napagnakawan din ang buong koponan sa kanilang tinutuluyang Barcie International Center.

ALL-FILIPINO CUP

ANG RED BULL

BARANGAY GINEBRA

BARCIE INTERNATIONAL CENTER

BATANG RED BULL

BUKOD

GIN KINGS

LUCIA REALTY

POP COLA PANTHERS

PUREFOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with