^

PSN Palaro

Phone Pals taob sa Alaska sa PBA All-Filipinpo Cup

-
Hindi sumuko sa pagbangon ang defending champion Alaska Aces upang iposte ang 74-63 panalo kontra sa Mobiline Phone Pals at makalapit sa quarterfinal round ng PBA All-Filipino Cup matapos ang kanilang engkuwentro kagabi sa PhilSports Arena.

Ibinuhos ng Aces ang kanilang buong lakas sa huling bahagi ng labanan nang pagtulung-tulungan nina rookie John Arigo, Bryan Gahol, Ali Peek at Eric Reyes ang eksplo-sibong 22-8 produksiyon upang iselyo ang tagumpay.

Ito ang ikaanim na panalo ng Alaska sa 12 laro na lumukob sa kanilang back-to-back loss at nagbigay sa kanila ng tiket para sa playoff ng ikawalo at huling quarter-final slot habang nalagay naman sa delikadong katayuan ang Mobiline nang kanilang malasap ang ikapitong kabiguan sa 12 laban.

Natabunan ang achievement ni Jerry Codiñera na napabilang sa 10,000 points club bilang ika-13th miyembro sanhi ng kanilang ikalawang sunod na kabiguan.

Nakuha ni Codiñera ang naturang karangalan nang umiskor ito ng back-to-back basket sa ikaapat na quarter upang agawin ng Phone Pals ang trangko 55-52 ngunit ito ang huling pagkakataon na natikman ng Mobiline ang kalamangan.

Pinangunahan ni Peek ang Aces sa paghakot ng 18 puntos ngunit di matatawaran ang ipi-nakita ni Arigo na nagtala ng 13 puntos, 11 nito ay sa ikaapat na yugto ng laro kung saan tuluyang kumawala ang Alaska.

Umabante na ng 8 puntos ang Alaska sa kaagahan ng third quarter ngunit pinangunahan nina Don Camaso at Codiñera ang 16-2 run upang isara ang naturang bahagi taglay ang 51-45 kalamangan.

Samantala, ipinatawag ng PBA Commissioner Office si Jeffrey Cariaso upang magpali-wanag hinggil sa kanyang masamang inasal sa nakaraang laro ng Tanduay Gold Rhum noong Linggo.

ALASKA ACES

ALI PEEK

ALL-FILIPINO CUP

BRYAN GAHOL

CODI

COMMISSIONER OFFICE

DON CAMASO

ERIC REYES

JEFFREY CARIASO

JERRY CODI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with