Damian talsik kay Enriquez

ZAMBOANGA--Pinatalsik ni Lani Enriquez ng Isabela, Basilan ang club entry Noemi Damian, 6-4, 6-3 upang ibulsa ang korona ng girls’ 12-under division noong Linggo sa pagsasara ng 2001 Milo Junior Tennis Cup and Regional Workshop dito sa city hard-courts.

Tinalo rin ni Enriquez si Vincent Lim ng Bongao, Tawi-Tawi 8-5 sa unisex 10-under class upang maging double titlist sa Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas.

Nakisosyo rin si Enriquez sa karangalan nina Lemuel Go na nakaungos kay James Mesa ng Davao, 7-6, 6-0 sa boys’ 12-under bracket; Michael Mesa na pumigil kay Hamza Macapendeg ng Cotabato City, 7-6, 1-2 ret. sa boy’s 14-under division; Ronnie Lumayag na gumapi kay Efren Delgado, 6-4, 6-3 sa boys’ 18-under plum at Mae Pabugais na nagtala ng 6-2, 6-4 panalo kontra Katrina Esperat upang ibulsa ang titulo ng girls’ 16-under division.

Show comments