Eddun talsik kay Macapendeg

ZAMBOANGA--Pinatalsik ni Hamza Macapendeg ng Cotabato City si Al Mahdi Eddun, 8-1 at Fil Caroro, 6-2, 6-0 upang makapasok sa final ng boys’ 14-under division noong Sabado sa inulan na 2001 Milo Junior Tennis Cup and Regional Workshop dito sa city hardcourts.

Makakaharap ni Macapendeg si Michael Mesa ng Davao City na nanalo kontra Roel Damian, 2-6, 7-5, 7-5.

Muling maghaharap sina Macapendeg at Mesa para sa isa pang titular showdown sa boys’ 16-under class matapos na itala ang kani-kanilang panalo kontra Banoy Silva, 8-2 at Fahd Salip, 8-7, ayon sa pagkakasunod sa Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas.

Sa boys’ 12-under bracket, hiniya ni Lorenzo Parcon si Marion Gacho, 8-6, habang binokya naman ni Noemi Damian si Blanca Lu, 8-0 at sinibak ni Lani Enriquez si Alexa Casimiro, 8-0 sa girls, 12-under division.

Show comments