Strickland dumating na

Isang umaatikabong aksiyon ang masasaksihan ng mga billiards fanatics kung saan muling magtatagisan ng husay ang dalawang kinikilalang "Masters of Billiard" na sina Efren "Bata" Reyes at Earl Strickland sa " The Color of Money Part 2".

Dumating na kahapon sa bansa ang tinaguriang "The Pearl" na si Strickland sakay ng Japan Airlines flight 741 mula Narita.

Sina Reyes at Strickland ay nakatakdang maglaban sa race-to-33 sa Casino Filipino sa Parañaque City simula sa Marso 29-31 kung saan ang tatanghaling kampeon ay tatanggap ng $15,000, habang $5,000 naman ang talunan.

Sa labang ito, siguradong ilalabas na ng husto ni Strickland ang kanyang nalalaman upang makapaghiganti kay Reyes matapos na mabigo nang una silang magharap sa "The Color of Money Part 1" race-to-120 sa Hong Kong limang taon na ang nakakaran.

Show comments