Ito ang kinumpirma ni team owner Rudy Mendoza na mayroon pang maliliit na detalye para sa kanilang negosasyon sa paghugot ng Ana kay Buenaventura.
"Me konting inaayos na lang, as you know, me kontrata pa kasi si Buenaventura sa Red Bull. Hopefully maaayos iyan," pahayag ni team manager Jonathan Molina na nagsalita para kay Mendoza.
"Naghahanap talaga kami ng equally talented player in place of Marvin Ortiguerra, thats why Ana almost took a leave of absence this conference. Naka-commit na kami ngayon sa PBL and if negotiations for Buenaventuras acquisition bogs down, were eyeing another big man to take his place," dag-dag pa ni Molina.
Isa pang misteryo sa Ana Freezers na di pa naayos ay ang magiging coach nila ngayong kumperensiya kung saan itinanggi ni Molina na siya ang uupong mentor ng koponan, gayunman sinabi nito na si Rey Mendez ang pansamantalang aaktong guro bilang playing assistant coach.
Tanging ang bagong mga nadagdag sa koponan ay sina UE Warriors pointguard at dating PBL Junior stalwart Paul Artadi at ang 65 slotman na si Bong Quiambao upang palakasin ang kampanya ng Ana katulong sina Ronald Tubid, Robin Mendoza, Roland Pascual, Ariel Capus at Dondon Mendoza.
Ang iba pang aasahan ng Ana ay sina Felix Flores, Ariel de Castro at Leo Vilar sa kanilang inaasahang magandnag debut game.
At dahil sa bahagyang problema ng Ana Freezers, inaasahan na sasamantalahin ito ng Teeth Sparklers kung saan tangka rin nilang mapaganda ang kanilang performance ngayong kumperensiya.
Gaya ng dapat asahan, sasandig ang Hapee sa kanilang bagong recruit na sina Allan Salangsang at ang 65 na si Julius Binuya at ang Cebuano na si Glenn Yuson.
"Well have to work harder this conference. Even though walang legitimate center ang Ana, we cant say were already sure of our chan-ces dahil alam naman natin kung paano mag-laro ang Ana. That team is always full of surprises," sabi naman ni Hapee coach Stevenson Tiu.
Sa kabilang dako, naman, ibig din ng Montana Pawnshop at Osaka Iridology na maging maganda ang kanilang debut game sa nakatakda nilang paghaharap dakong alas-5:30 ng hapon. (Ulat ni Maribeth Repizo)