4 karera na-sweep ni Aguilar
March 26, 2001 | 12:00am
Winalis ni Glen Aguilar ng Team Caltex-Revtex ang lahat ng apat na karera sa pro-open at pro 125 kategorya at nakisalo sa karangalan nina Robert Mencias at Kenneth San Andres sa ginanap na National Motocross Super Series 2001 sa The Fort noong Sabado.
Sinupil ni Aguilar ang matinding labang ibinigay nina Ernie Leongson at Bebet dela Cruz sa pro open, bago dinomina sina Atlita Szerda at Jovie Saulog sa pro 125 upang kumawala sa overall standings ng event na ito.
Ang dalawang panalo ay nagkaloob kay Aguilar ng 77 puntos kontra sa 58 puntos ni Leongson at 57 puntos naman ni Szerda sa pro open class.
Di rin nagpahuli si Mencias nang manalo naman sa power enduro category kontra sa mga kalaban na sina Recto de Leon, Juno Villena at I.D. Andrews, habang naghari naman si San Andres sa mini class division laban kina Paul Reyes, Jimboy Marcelo, Marco Buncio at Juan Arreglado.
Samantala, ang ikatlong yugto ay gaganapin sa Puerto Princesa City sa susunod na buwan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am