Tanduay nilasing ng Pop Cola sa PBA All-Filipino Cup
March 26, 2001 | 12:00am
Kung nailapit ng Pop Cola ang katayuan sa quarterfinal round ng PBA All-Filipino Cup, napalayo naman ang Tanduay Gold Rhum.
Itoy matapos itala ng Pop Cola ang 82-75 panalo kontra sa Tanduay Gold Rhum na kumulapso sa huling bahagi ng final canto sa kanilang laban sa Araneta Coliseum.
Mainit ang naging pagtatapos ng labanan ng mapatalsik sa laro si Jeffrey Cariaso sa huling 58 segundo ng labanan matapos tawagan ng dalawang sunod na technical foul ni referee Luisito Cruz dahil sa tuloy-tuloy na pagrereklamo ni Cariaso.
Umangal si Cariaso dahil sa di ito nabigyan ng foul ng mag-drive ito sa harap ni William Antonio. Ang ikalawang technical foul nito ay nang kanyang murahin ang referee sanhi ng kanyang pagkakatalsik sa laro.
Pinatawan din ng technical foul ni referee Ernie de Leon ang team owner na si Bong Tan dahil sa paninigaw nito sa mga opisyal.
Nauwi sa wala ang taglay na 66-56 na kalamangan ng Tanduay nang pakawalan ng Pop Cola ang 24-9 run sa pangunguna nina Antonio at Estong Ballesteros.
Dahil sa galit ni Ca-riaso, sinipa nito ang salamin na pintuan patungong dug-out sa Big Dome at dahil sa inasal niyang ito, inaasahang ipapatawag siya ng PBA Commissioner Office at pagmumultahin.
Umabante ng 11 puntos ang Tanduay sa unang quarter, ngunit naglaho lamang ito nang bumangon ang Pop Cola sa ikalawang quarter.
Sinimulan ng Rhummasters ang labanan sa pamamagitan ng 19-8 kalamangan, ngunit nalimitahan ang Rhum-masters sa 11 puntos sa ikalawang quarter at kasabay ng paghakot ng 20 pun-tos upang isara ang first half na taglay ang 36-34 bentahe.
Buhat sa 25-14 kalamangan ng Tanduay, isang 16-4 run ang pina-ngunahan ni Rudy Hatfield upang agawin ng Panthers ang bentahe sa 30-29.
Habang sinusulat ang artikulong ito, kasalukuyang naglalaban ang San Miguel Beer at ang Purefoods TJ Hotdogs bilang main game.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended