Shell Taxi King Challenge sisimulan ngayon

Ang ikalawang yugto ng Shell Taxi King Challenge (STKC) ay gaganapin ngayon sa SM City Fairview, ayon sa event organizer nitong RACE Motorsports Club at presentor Pilipinas Shell Petroleum Corporation kahapon.

Binubuo ng dalawang kategorya partikular na ang Shell Rimula J Mega Taxi Class at Shell Helix Taxi Class para sa regular o sedan taxis, ang STKC ay may tournament format tulad ng Shell Jeepney King Challenge at Shell Tricycle King Challenge kung saan masusubok ang kaala-man ng driver-participant sa batas trapiko.

Maliban sa Cash Prizes, ang mga kasali sa Shell Rimula J class ay tatanggap din ng 5 litrong Shell Rimula J oil. Shell Super Brake Fluid, T-Shirt, cap, key chain gayundin sa Shell Helix Taxi Class maliban sa apat na litrong Shell Helix Motor oils na kanilang tatanggapin.

Show comments