Ang Level 1 at 2 session ay gaganapin mula ala-una hanggang alas-4:00 ng hapon sa DLSU habang ang level 1 classes ay nakatakda naman mula alas-8:30 hanggang alas-11:30 ng umaga. Ang level 2, 3, 4 at refresher clinics ay mula ala-una hanggang alas-4:00 ng hapon sa San Beda.
Ang Milo Best na kilala sa bansa bilang basketball school na mayroon nang mahigit 10,000 graduate students na kinabibilangan ng mga PBA stars na sina Benjie Paras at Jerry Codiñera ay mayroon pang ibang camps.
Ito ay sa Ateneo College and grade school covered courts at sa Flos Carmeli Institution sa Fairview Park sa Abril 2-30 tuwing Lunes/Huwebes at tuwing Miyerkules/Sabado mula Abril 4-21 sa Jose Rizal University at tuwing Martes/Biyernes mula Abril 10-Mayo 1 sa St. Benedict College.
Maaaring magparehistro ang mga interesado sa Best Center, 34 Scout Lozano, Bgy. Laging Handa, QC sa tel. nos. 372-3065/66 at 4116260 o sa Dansei/Sensei, 5th floor, Holiday Inn Manila, UN Ave., tel. nos. 525-8191 at 524-9311.