Ang nasabing apela ay ginawa kahapon ni POC President Celso Dayrit na kanyang pinagdiinan na ang mga atleta ay nagde-demand ng mas malaking (pinansiyal) suporta kung ikukunsidera ang oras at panahon na naglalagay sa kanila para maging maayos ang kanilang mental at physical na kundisyon.
"The problem is the PSC (Philippine Sports Commission) can give only so much to these athletes because the PSC itself lacks funds," paliwanag ni Dayrit na kanyang tinukoy ang mga umbrella organization ng lahat ng NSAs (National Sports Associations) ay proprotektahan ng POC ang interes ng mga atleta at iba pa.
At sa kasalukuyan, sinabi ni Dayrit na tanging ang pangulong Macapagal-Arroyo lamang ang maaaring makatuloing sa mga atleta sa dahilang ang Pangulo lamang ang siyang may kapangyarihan para maka-pag-release ng kabuuang halaga mula sa PAGCOR na dapat ay ibibigay sa PSC.
Pinagdiinan ni Dayrit na base sa PSC law, limang porsiyento ng gross income ng PAGCOR ay mapupunta sa National Sports Development Fund ."But I understand that only about half is being given to the PSC. If GMA can release the full amount, it will be a big boon to sports in general and the athletes in particular."