X - Rage games sa Fort Summer Camp

Isa pang panibagong extreme sports event ang pupukaw ng atensiyon sa Manila, ngunit ito ay siguradong mas malaki, maganda at mas maraming eksplosibo di gaya noong nakaraang ginanap ito.

Dinala ng Philips Consumer Electronics, isa sa world’s leading electronics companies, ang Philips X-Rage, ang ngayong taon ay mas eksplosibong sports event sa Manila makaraang magtagumpay ang unang sports event dito.

Nangako ang Philips Rush-X, Philips X-Rage ng mas exciting na extreme sports action, entertainment at mas maraming kasiyahan.

Gaganapin ang Manila leg ng Philips X-Rage sa Mayo 18, 19 at 20 sa Fort Summer Camp, Bonifacio Global City.

Ang X-Rage ay tatlong araw na aksiyon na magbibigay sa mga batang Filipino ng oportunidad na maging bahagi ng exciting festival ng extreme games gaya ng BMX, skateboarding at in-line skating.

Ilan sa world’s greatest extreme sports athletes ang lilipad patungong Manila para lamang sa nasabing event.

Magkakaroon din ng pagka-kataon ang mga batang Pinoy BMX enthusiasts, skateboarders at in-line skaters (Beginners and Advance) na mabibigyan ng tsansa na maipakita ang kani-kanilang kakayahan sa paglahok sa X-Rage. At bilang pre-event activity, ang Philips X-rage Sports Clinic ay gaganapin sa Mayo 4,5 at 6 sa Don Bosco Gym kung saan ang mga kabataan ay matututo ng basic rules ng laro, tricks at safety precautions habang idinaraos ang kompetisyon.

Show comments