National Open Chess Championship pinaghahandaan na
March 21, 2001 | 12:00am
At dahil sa nadoble ang kanilang posisyon bilang opisyal, sinabi kahapon nina Grandmasters Eugene Torre, Joey Antonio at Bong Villamayor na sisikapin nilang madoble ang kanilang oras upang mapaghandaan ang National Open chess championships na magbubukas sa Sabado sa Greenhills Shopping Centermall sa San Juan.
"We know its difficult that is why I tip my hat off to my fellow GMs Antonio and Villamayor. If it is going to be for the good chess we dont mind the extra work," ani Torre, pangulo ng organizing National Chess Federation of the Philippines kahapon sa PSA Forum sa Holiday Inn Manila.
Sinabi naman ni Antonio na hindi siya nagpapabaya sa kanyang buildup sa kabila ng pagiging vice president for internal affairs ng NCFP.
Sumang-ayon din si Villamayor, NCFP vp for external affair at kasalukuyang highest rated Filipino chessers ng FIDE sa sinabi ni Antonio at nagpahayag ito ng "I am also trying to put in my time for my National Open despite my duties as an NCFP officer."
Sinabi rin ng tatlong manlalaro na umaaasa sila ng mahigpit na laban sa chessfest na ito na may nakalaang P120,000 sa mens champion at P50,000 naman sa womens titlist.
Ang naturang event ay magsisilbi ring qualifying tournament para sa Asian Zonals na nakatakdang magbukas sa Abril 23. Ang top five players sa mens at womens division at matapos ang National Open saka pa lamang bubuo ng Asian Zonals team.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am