^

PSN Palaro

Korona ng 2001 PBL Chairman's Cup, asam ng Shark

-
Isang intact ngunit mas kumpiyansang Shark Energy Drink ang paparada at nakatuon ang pansin sa kanilang back-to-back crown sa 2001 PBL Chairman’s Cup na magsisimula sa Sabado, Marso 24 sa Makati Coliseum.

Umaasa si coach Leo Austria na mapapalakas ang karakter at kumpiyansa na naging susi ng Power Booster sa pagkopo ng titulo kontra sa mahigpit nilang karibal na Welcoat Paints sa PBL Challenge Cup.

"It was a new found inner strenght for us, and we have to strenghten it more. The challenge is, siguradong gusto kaming balikan ng Welcoat or any other team wants to take a shot at the crown," ani Leo Austria.

Tatlo mula sa kanyang championship lineup ang umusad sa mas malakas na liga. Ang Finals MVP na si Roger Yap ay nasa Purefoods sa PBA, Egay Echavez sa Socsargen Marlins sa MBA at Erwin Velez naman sa Pharma Quick.

Ngunit naniniwala si Austria na sina Topex Robinson at Warren Ybañez ay epektibong mapapamahalaan ang gawain sa backcourt at pinapirma si Jun Balares bilang No. 3 guard ng Power Boosters habang sina Gerard Ortega, Rico Limare at Bong Salvador ang magpapalitan sa binakanteng lugar ni Erwin Velez.

Gayunpaman, sasandal pa rin siya sa kanyang mga dating sundalo na sina Chester Tolomia, Gilbert Malabanan, Irvin Sotto at Rysal Castro.

Kukumpleto naman sa lineup ng koponan sina Kenneth Gumpenberger, Jing Rodriguez at Carlos Garcia.

Hanggang sa kasalukuyang pina-finalize pa ni Austria ang kanyang lineup at nakikipag-negosasyon sa pagkuha sa dating Pasig Pirate na si Jay Magat.

ANG FINALS

BONG SALVADOR

CARLOS GARCIA

CHALLENGE CUP

CHESTER TOLOMIA

EGAY ECHAVEZ

ERWIN VELEZ

GERARD ORTEGA

GILBERT MALABANAN

LEO AUSTRIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with