^

PSN Palaro

Sinangote, Salvador, magkasosyo sa liderato ng MM chessfest

-
Pinagsaluhan nina Rizal Technological University standout Jesse Sinangote at University of Santo Tomas Roland Salvador ang liderato pagkatapos ng round 6 ng First Metro Manila youth 25 years old and below non-master chess tournament sa Center Mall ng Greenhills Shopping Complex.

Hawak ang puting piyesa, nakipagtabla si Sinangote sa kapwa niya lider na si Salvador makaraan ang 45 moves ng Trompovsky Opening.

Dahil sa pangyayaring ito, kapwa nagtala ng 5.5 puntos sa anim na laro ng 9 round Swiss system format na ito na inor-ganisa ng Youth for Social Action sa pakikipagtulungan ng Pilipinas Shell at Ortigas and Company Inc. na may patnubay naman ng National Chess Federation of the Philippines.

Ang iba pang mga nagwagi at nananatiling nasa kontensiyon sa torneong ito kung saan tatanggap ng halagang P10,000 ang magkakampeon, sina Marlon Ricafort (5.0), Erwin Alerta (5.0), Benght Largo (5.0), Nelman Lagutin (5.0), Julio Catalino Sadorra (4.5), Rustum Tolentino (4.5), Roderick Nava (4.5) at Christopher Castellano (4.5)

Namumuno naman si top seed Oliver Dimakiling sa hanay ng may 4.0 puntos.

Sa panig naman ng mga handicapped o bulag na chess players, inokupahan ni Ruben Estuque ang solo liderato matapos pigilan ang dating kasosyong lider na si Gerry Ricarder.

Si Estuque ay nakaipon ng 5.0 puntos sa 10-man field single round robin format.

BENGHT LARGO

CENTER MALL

CHRISTOPHER CASTELLANO

ERWIN ALERTA

FIRST METRO MANILA

GERRY RICARDER

GREENHILLS SHOPPING COMPLEX

JESSE SINANGOTE

JULIO CATALINO SADORRA

MARLON RICAFORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with