Bagamat natalo si Yutuc, naglaro na hawak ang mga puting piyesa sa final round kay Jun Evale sa 30 moves ng Trompovsky Opening, siya pa rin ang nahirang na kampeon matapos na itala ang 5 puntos kontra sa isang talo lamang ng isang araw na chess tournament na ito at bunga na rin ng kanyang mas mataas na tie break points.
Samantala, tinalo ng top seed na si Olive Dimakiling sa opening round ng Metro Manila youth 25 years and below ang bagitong si Vincent Paragas upang palakasin ang kanyang kampanya sa P10,-000 sa dalawang araw na event na ito.