RP team, lalahok sa 34th World Cup
March 18, 2001 | 12:00am
May pagkakataon ang Philippines na makalaro ang mga pinakamahuhusay na manlalaro sa kanilang paglahok sa 34th World Cup makaraang anyayahan ng world governing International Baseball Federation (IBAF) kahapon.
Ang naturang imbitasyon ay nagmula mismo kay IBAF president Aldo Notari sa isang fax message na kanilang ipinadala sa Philippine Amateur Baseball Association (PABA) president Hector Navasero na umalis patungong Taiwan kasama ang national team para sumabak sa Asian championship.
Bukod sa RP nine, ang iba pang Asian countries na lalahok sa nasa-bing tournament na nakatakda sa Nov. 7-18 na iho-host ng Taiwan ay ang mga Olympic caliber teams sa pangunguna ng South Korea at Japan.
Ang iba pang koponan na sasabak sa aksiyon ay ang Cuba, US, Mexico, Venezuela, Nicaragua, South Africa, Australia, Netherlands, Russia, Italy, Kazakhstan at Guam.
Samantala, magbabalik sa aksiyon ang RP nine ngayon sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban kontra sa Japan sa pagsisimula ng 21st Baseball Federation of Asia (BFA) Asian championship sa municipal stadium sa Taipei.
Haharapin ng Filipinos ang Japanese sa ala-una ng hapon bago sasagu-pain ang Chinese-Taipei.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended