Montana, mahigpit na kalaban sa PBL Chairman's Cup
March 18, 2001 | 12:00am
Siguradong magbibigay ng malaking impact ang ginawang malaking pagbalasa ng Montana Pawnshop sa nakaraang PBL Challenge Cup at umaasa ang Davao-based team na isa sa mahigpit na kalaban para sa titulo ng nalalapit na PBL Chairmans Cup sa Marso 24.
Nakatakdang iparada ng Jewelers ang kanilang 13-man line-up na kinabibilangan ng tatlong bagong recruits na siyang kinakailangan ni coach Leo Isaac upang palakasin ang kanilang bilis at tikas sa frontcourt.
Pinalagda ni Isaac sina dating Negros Slasher John Lim upang maging backup ni Orly Torrente at makapagbibigay ng karagdagang intensidad sa fastbreak at transition plays.
Lalaro namang alternates sina Francis Zamora na pinakawalan na ng Welcoat at UE Warrior Jay-Arr Estrada sa mga key players na sina Gilbert Lao at Jacques Gottenbos, ayon sa pagkakasunod.
"Im more satisfied with this line-up, mas malakas siguro ang chances namin this conference. Mas cohesive ang line-up ngayon, mas fluid at gagawin namin ang lahat para makapasok sa finals," wika ni Isaac.
"So far, so good and it looks like everything is falling into their right places. Kakaiba yung pinapakitang intensity ng mga bata especially Jenkin Mesina, Ernest Medina and Aries Dimaunahan na nag-step up during our practice," dagdag pa ni Isaac.
Ang iba pang players na kukumpleto sa line-up ay sina Michael Casta-neda, Gary David, Mel Latoreno at Jayman Misola.
Nakuha ng Montana ang ikatlong puwesto matapos na igupo ang Blu Detergent, 2-1 sa kanilang best-of-three.
Bahagya na rin silang muntik makarating sa finals, ngunit ang tanging naging problema lamang ng Jewelers ay ang pagkulapso ng ilang manlalaro sa kalagitnaan ng semifinals.
Maging ang mga team owner na sina Arman at Conchita Quibod ay masaya sa tinapos ng koponan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended