^

PSN Palaro

Kampeonato puntirya ng Hapee sa PBL

-
Bihirang magpakita ang team owner na si Cecilio Pedro sa practice ng Hapee Toothpaste at sinorpresa nito ang tropa at nasiyahan ito sa kanyang nakita.

At sa practice, sinabi nitong. "I want a champion team after two years in the PBL."

Nais ni Pedro na muling balikan ang matatagumpay na araw ng Hapee nang hawakan ni coach Junel Baculi ang koponan noong 1994-1996.

Ang koponan na nanalo ng 1996 PBL Reinforced conference kung saan ang kanilang import ay si Ma Jian. Ang team na ito ay siya ring nagbigay ng karangalan sa bansa sa kanilang paghahari sa ABC Champions Cup sa nasabi ring taon.

At sa nakita ni Pedro, naniniwala ito na ang line-up ngayon ni coach Stevenson Tiu ay may malakas na tsansa para sa titulo.

"I guess it’s about time we take a serious shot at the crown since our comeback in 1999," paliwanag ni Pedro. "This year’s line-up seemed promising. I’m not pressuring coach Tiu and the boys. But if they work hard, I believe they have strong chances of making it to the finals."

Sa tulong ni Tiu, nakabawi ang Teeth Sparklers sa kanilang pagkakatalsik sa PBL Chairman’s Cup nang sila ay makapasok sa semifinals ng PBL Challenge Cup.

Ang pinakamalaking hugot ng Hapee Toothpaste ay si Allan Salansang, isang 6’5 mula sa Letran Knights na may intensity at magandang three-point shooting average.

"We’ll do our best. He gave me the full authority in the recruitment of players and in return, we’ll try our best to deliver what he wants," ani Tiu. "Chances are much better, but then it will take a lot of hardwork."

Ang dalawa pang dagdag sa koponan ay sina dating San Beda slotman Julius Binoya na makakatulong sa low post kay Alwyn Espiritu at Francis Mercado at ang Cebuano na si Glenn Yuson na malaking tulong naman sa backcourt kina Ryan Dy, Rensy Bajar, skipper JB Sison at co-captain Mark Saquilayan.

Ang iba pang holdovers na bumubuo ng koponan ay sina Cyrus Baguio, Niño Gelig, Jaymar Rivera, Tommy Norrdell, Junie Lopez, Bryan Olaguer at Jean Michael Alabanza

"Mas maganda ang team ngayon," wika naman ni team manager Bernard Yang. "Mas tumaas ang morale ng team because of Salansang. Dahil sa three-point shooting niya, medyo na-challenge sina Cyrus Baguio, Niño Gelig at Mark Saquilayan para mag-step-up."

ALLAN SALANSANG

ALWYN ESPIRITU

BERNARD YANG

BRYAN OLAGUER

CECILIO PEDRO

CHALLENGE CUP

CYRUS BAGUIO

HAPEE TOOTHPASTE

MARK SAQUILAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with