Shell 2T Triple Tricycle King Challenge sa Legaspi City

Ilalarga bukas ang Shell 2T Triple Tricycle King Challenge 2001 sa may Peñaranda Park na malapit sa Legaspi City Hall, Legaspi City.

Ito ang inihayag ni event organizer RACE Motorsports Club president Bing Bang Dulce.

Ang Legaspi leg ay ilulunsad sa pakikipagtulungan nina mayor Imelda Roces at Gov. Al Francis Bichara, at umaasang hahatak ng maraming partisipante mula sa iba’t ibang tricycle association ng Legaspi kung saan may tatanggaping cash prizes na P5,000, P3,000 sa Best Dressed Tricycle category mula sa presentor na Shell 2T Triple Oil, Shell 2T Triple Gear Oil at Fuji Film.

Ang Shell 2T TKC ay isang driving skill contest para sa mga professional trike drivers na may kalakip ng kanilang magalang, eksperto at maingat na pagmamaneho at kaalaman sa batas at mga regulasyon.

Ang rehistrasyon ay magsisimula sa alas-7 ng umaga sa naturang venue, at libre basta may dalang basyo ng lalagyan ng Shell 2T Triple at tatangap pa ng libreng Shell 2T motor/gear oil, beltbag, T-shirt, cap, key chain, towel, backride cover pagkatapos na makapagpatala.

Para sa karagdagang detalye tumawag sa 09178119337/ 09178340831.

Show comments