Non-master chessfest handa na

Ang lahat ay handa na para sa 2001 Quezon City 4th District Councilor Marcel C. Rillo individual non-master chess tournament na magbubukas bukas sa alas-9 ng umaga sa SB 2 court Emilio Jacinto St. Barangay Aurora, Galas sa Quezon City.

Nakataya sa isang araw na chessfest ang mga cash prizes sa mga mananalo at ito ay bukas para sa lahat ng non-master at mga residente ng QC Area 22 na itinataguyod ng mga community leaders ng nasabing area.

Para sa iba pang detalye makipag-ugnayan kay NM Erwin Carag sa tel. no. 9617118 o cel. no. (0919) 4236094 at kay Sonia Cruz sa tel. no. 8341845.

Show comments