National Softball Tourney nakatakda sa Bulacan
March 14, 2001 | 12:00am
Ang lahat ay naisaayos na at nakahanda na para sa gaganaping National Softball tournament sa Barangay Matimbo at Bgy. Sta. Isabel sa Lungsod ng Malolos, Bulacan sa Abril 21-26.
Ito ang ipinahayag ni Mayor Resty Roque, isa sa mga sponsor ng nasabing torneo na kabalikat ang Amateur Softball Association of the Philippines at Philippine Sports Commission.
Ang pagbabalik ng nasabing torneo na huling ginanap noong 1976 na ideya nina Mayor Roque at dating gobernador ng Bulacan ay lalahukan ng sampung team sa pangunguna ng kasalukuyang kampeon ng UAAP na Adamson U.
Ang iba pang kalahok ay ang UST, UE, UP, Rizal province, Rizal Technology University, Laguna province, Cebu City at Bacolod City.
Sinabi ni national coach Jose Pepe Pinga na siya ring direktor ng torneo ang National Youth team (16-anyos pababa) na gagastusan ni Mayor Roque na nakatakdang lumahok sa Hunyo sa Florida, USA ay kasali rin bilang guest team upang mabigyan ng kaukulang exposure.
Huling naging kampeon sa nasabing torneo ang FEU na binubuo ng karamihan ay mga manlalaro ng tanyag na Blu Girls noong dekada 60s hanggang 70s.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended