Isinalba ng beteranong swingman na si Renato Alforque ang kampanya ng Jewelers sa kanyang hinakot na 12 puntos nang manalasa ito sa three-points range may tatlong minuto na lamang ang nalalabi sa laro kung saan kanilang ibinaba ang 15-4 run na siyang pumigil sa tangkang pag-ahon ng Econo Cabs.
Nahirang naman si Ronald Paraiso na tumapos ng 24 puntos bilang Most valuable Player ng nasabing event na ito.
Nagbigay rin ng mahalagang papel sina Aldrin Ocanada at Darryl Smith sa panalo ng Jewelers kung saan nagtala sila ng 13 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Nauna rito, pinayukod naman ng Guardo Shiatsu and Reflexology ang Osaka Iridology, 90-74 upang makuha ang konsolasyong ikatlong puwesto.