Allado, tahimik pero matinik
March 13, 2001 | 12:00am
Kahit na marami pa rin ang nagpapakita ng magandang performance sa Philippine Basketball Association All-Filipino Cup, hindi rin makakatakas sa atensiyon ang steady job.
Batid ito ni Tim Cone at maging ng mga miyembro ng PBA Presscorps.
At ito ang dahilan sa nakalipas na isang linggo kung bakit ang Alaska forward na si Don Carlos Allado ang nagkaka-isang inihalal ng mga sports scribes para sa Player of the Week.
"You almost do not notice him, even in our team. But if you look at the stats, youll see that hes our most consistent performer. Ali Peek has his down games. Kenneth Duremdes has his big and great games but he also has his off nights. But Don, he has not played bad for us so far," wika ni Cone.
Gayunman, ito ay hindi gaanong batid ni Allado.
Sa kabila ng game-winning free throws ni John Arigo at ang mahusay na paglalaro ni Duremdes at Peek sa dalawang nakaraang panalo, hindi rin matatawaran ang kakayahan ni Allado kung saan ito ay nagpamalas ng mahusay na trabaho.
At bilang starting unit, agad na kumana si Allado ng dalawang double-double sa nakalipas na linggo upang banderahan ang Alaska sa kanilang huling dalawang laro sa apat na sunod na panalo.
Kontra sa Mobiline, humakot si Allado ng 16 puntos at 13 rebounds.
Makikita sa stats na ito ang dalawang free throws ni Arigo na siyang nagdala sa 73-71 panalo.
At kontra naman sa dating lider na Red Bull, muling nagposte si Allado ng 16 puntos at 13 rebounds nang walisin ng Aces ang Thunder, 95-76.
At ang mga numerong ito ang tumabon sa 21 first half points ni Peek at ang pananalasa ni Duremdes at Rodney Santos sa second half, dahil sa pagsisikap ni Allado.
At sa kabuuan, nagtala si Allado ng 16.0 points at 11.5 rebounds sa loob ng dalawang laro ng Alaska na sanhi upang umakyat sila sa top four.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended