At dahil sa naging tagumpay ng National Inter-Cities and Municipalities Chess Team Championship, tatlong GMs ang nakatakdang isabak sa dalawang linggong tournament na ito na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP)--sina Eugene Torre, Joey Antonio at Bong Villamayor kasama ang host International Masters at National Masters maging ang daan-daang chess players mula sa 16 rehiyon ng bansa para sa top individual cash prize na P120,000.
Ayon kay project director at NCFP honorary chairman Matias Defensor na may kabuuang nakatayang P750,000 na ipamimigay mula sa 50th placers para sa mens division at P30,000 naman para sa womens side.
Narito ang breakdown ng mga premyo: P70,000 para sa runner-up; P45,000 sa third place; P35,000 para sa 4th , P30,000 sa 5th; P25,000 sa 6th; P20,000 sa 7th; P19,000 sa 8th; P18,000 sa 9th; P17,000 sa 10th; P16,000 sa 11th at P15,000 para sa 12th placer.
May kabuuan namang premyo na P130,000- para sa 10th hanggang 50th placers sa eliminations.
Ang registration fee ay P200 kada kalahok at P100 para sa National masters. Ang registration fee ay iwe-waived para sa mga GMs at IMs.
Umaasa si Defensor na aabot sa 300 hanggang 500 chess players ang magpapatala para sa nasabing tournament na ang format ay 11-rounds Swiss system eliminations na gaganapin sa Center Mall sa Greenhills Shopping Center at isang single-round robin championship round na sisimulan sa Abril 2-11. Saka na ihahayag ang lugar para sa championship round.
Makakasama ng top nine players makaraan ang elimination round ang tatlong GMs sa finals ng mens side, habang ang top nine womens player ay kuwalipikado na para sa championship round.