^

PSN Palaro

P.75M National Chess Team Championship

-
Makikipagtagisan ng talino ang lahat ng top chess players ng bansa sa mahuhusay na woodpushers sa buong bansa sa pagbubukas ng National Chess Championship sa Marso 24 sa Center Mall ng Greenhills Shopping Center, San Juan, Metro Manila.

At dahil sa naging tagumpay ng National Inter-Cities and Municipalities Chess Team Championship, tatlong GM’s ang nakatakdang isabak sa dalawang linggong tournament na ito na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP)--sina Eugene Torre, Joey Antonio at Bong Villamayor kasama ang host International Masters at National Masters maging ang daan-daang chess players mula sa 16 rehiyon ng bansa para sa top individual cash prize na P120,000.

Ayon kay project director at NCFP honorary chairman Matias Defensor na may kabuuang nakatayang P750,000 na ipamimigay mula sa 50th placers para sa men’s division at P30,000 naman para sa women’s side.

Narito ang breakdown ng mga premyo: P70,000 para sa runner-up; P45,000 sa third place; P35,000 para sa 4th , P30,000 sa 5th; P25,000 sa 6th; P20,000 sa 7th; P19,000 sa 8th; P18,000 sa 9th; P17,000 sa 10th; P16,000 sa 11th at P15,000 para sa 12th placer.

May kabuuan namang premyo na P130,000- para sa 10th hanggang 50th placers sa eliminations.

Ang registration fee ay P200 kada kalahok at P100 para sa National masters. Ang registration fee ay iwe-waived para sa mga GMs at IMs.

Umaasa si Defensor na aabot sa 300 hanggang 500 chess players ang magpapatala para sa nasabing tournament na ang format ay 11-rounds Swiss system eliminations na gaganapin sa Center Mall sa Greenhills Shopping Center at isang single-round robin championship round na sisimulan sa Abril 2-11. Saka na ihahayag ang lugar para sa championship round.

Makakasama ng top nine players makaraan ang elimination round ang tatlong GMs sa finals ng men’s side, habang ang top nine women’s player ay kuwalipikado na para sa championship round.

BONG VILLAMAYOR

CENTER MALL

EUGENE TORRE

GREENHILLS SHOPPING CENTER

INTERNATIONAL MASTERS

JOEY ANTONIO

MATIAS DEFENSOR

METRO MANILA

NATIONAL CHESS CHAMPIONSHIP

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with