Lhuillier vs Chariot sa CBL finals

CEBU CITY -- Itinakda ng magkaribal na M. Lhuillier at Chariot Econo Cabs ang isa pang klasikong title showdown matapos magtala ng magkaibang panalo sa crossover semifinals ng 2001 CBL President’s Cup sa New Cebu Coliseum dito.

Sumandal ang M. Lhuillier sa split shots ni Michael Almonte sa final 1.8 segundo ng laban upang upuan ang finals seat sa pamamagitan ng makapigil-hiningang 71-70 panalo kontra sa Osaka Iridology.

Tinalo ng Chariot Econo Cabs ang Guardo Shiatsu 92-79

Show comments