Ilongo's Pride, kampeon sa Nestea Beach Volleyball tourney
March 11, 2001 | 12:00am
Nagtala ng dalawang malalaking upset ang Ilongos Pride upang tanghaling kampeon ng mens division ng unang Nestea Beach Volleyball National Open na natapos kahapon sa CCP Complex.
Ang pares nina Herminio Gallo at Parley Tupaz, ika-10th seed sa torneong ito na kinilala ng Philippine Amateur Volleyball Association (PAVA) ay nanaig kontra sa top seed na Bicol at third seed na Armed Forces Research Development Center.
Unang iginupo ng Ilongos Pride ang Bicol duo, 21-17, 32-30 sa semifinal round bago pinabagsak ang Army-men sa iskor na 21-16, 25-23 upang makopo ang titulo.
Nakopo naman ng Philippine Navy 2 na binubuo nina Johanna Botor at Helen Dosdos ang titulo sa womens division nang kanilang igupo ang Armed Forces of the Philippines 2 na binubuo nina Josie May dela Rosa at Pine Estrada, 21-12, 21-15.
Ang Navy 2 at AFP 2 ay kakatawan sa bansa sa nalalapit na Beach Volleyball Womens Circuit na gaganapin dito sa Marso 30 hanggang Abril 1.
Tinanghal na Most Valuable Players sina sina Gallo sa mens division at Botor sa womens category.
Naging madali ang pagkopo ng Ilongos Pride sa unang set ngunit dumaan naman sina Gallo at Tupaz sa butas ng karayom sa ikalawang set bago tuluyang naisukbit ang korona.
Nagkaroon ng tsansa ang AFRDC na dalhin sa diciding set ang labanan nang kanilang itabla ang iskor sa 23-all matapos ang turn-over ni Tupaz.
Ngunit pumukol ng dalawang matutulis na spikes si Gallo upang mailista ang panalo.
Nakarating sa finals ang AFRDC nang kani-lang patalsikin ang title favorite Foundation-Dumaguete, 21-23, 21-19, 15-10. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended