Nagpamalas ang tambalang Herminio Gallo at Parley Tupaz ng impre-sibong mga tira upang igupo ang tandem nina Rustico Camangian at Rhovy Verayo, 21-19, 21-16 upang ma-sweep ang kanilang qualifying round matches at makaseguro ng isang slot sa susunod na round.
Hindi rin nagpahuli ang Foundation University of Dumaguete nang kanilang namang patalsikin ang Cebu Wild Duck, 21-18, 21-19 upang makasama ang ipinagmamalaki ng Ilongo sa semis.
Naglabas ang pareha nina Eduard Balbuena at Isidro Bongcasan ng Foundation, ang paborito sa semis ng Nestea Beach Volleyball University Challenge na nakatakda simula sa Abril 21-22 sa Boracay nang malalakas na net game upang idiskaril ang tambalang Ray Acojede at Jasper Jimenez ng Cebu Wild Duck.
Sa distaff side, niyanig ng mahigpit na duo nina Johana Botor at Helen Dosdos ng Philippine Navy 2 ang tandem nina Cynthia Arceo at Ponce de Leon ng Philippine Sports Commission, 21-7, 21-13 upang palakasin ang kanilang kampanya para sa titulo.
Ang iba pang nagtala ng krusiyal na panalo ay ang Philippine Army, Armed Forces 2 at ang kasalukuyang Nestea Beach Volleyball University Challenge women’s champion San Sebastian College.