Biyaheng US ni Pacquiao naudlot
March 9, 2001 | 12:00am
Pansamantala munang iisantabi ni Manny Pacquiao ang kanyang plano na kumampanya sa Amerika sa dahilang may nakatakda itong panibagong scheduled para sa pagdedepensa ng kanyang WBC International Superbantamweight crown.
Ito ang inihayag kahapon ng international promoter Gabriel ‘Bebot’ Elorde Jr., na nagsabi pa ang pagdaraos ng panibagong triple WBC international championship ay nakatakda sa Abril 28.
Haharapin ni Pacquiao ang challenger na si Wethya Sakmuangk-lang ng Thailand sa isang 12-round encounter.
Hindi pa batid kung saang lugar gaganapin ang kanilang laban.
Tampok din sa Abril 28 event ang magkahiwalay na laban ng magkapatid na Juanito at Ernesto Rubillar-na kapwa magtatanggol ng kani-kanilang international titles kontra sa Thai challengers.
Sasagupain ni Juanito si Fasan Pongsawan, WBC No. 9 para sa light-flyweight, habang makikipagbasagan naman ng mukha si Ernesto kontra Thailand champion Pigmy Muangchaiyabhumi.
Nakatakda sanang lumipad patungong Amerika si Pacquiao kasama ang kanyang business manager na si Rod Nazario upang humanap ng mas magandang oportunidad sa ‘land of milk and honey.’
Idinagdag pa ni Elorde na ang pagdepensa ng international crown tuwing ikalawang buwan ay magpapanatili kay Pacquiao ng magandang kundisyon, habang naghihintay pa siya ng isang malaking championship fight.
Ito ang ikalimang pagtatanggol ng korona ng 22-anyos na si Pacquiao matapos na makopo niya ito noong Disyembre 1999 kontra Reynante Jaimili.
Tinalo niya sina Sydney-based Arnel Barotillo, Korean Seung Kwon Chae at Lebanon-born Australian Nadel Hussein at kamakailan lamang na isa pang Koreanong si Tetsutora Senrima.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am