Osaka silat, Guardo nanalo

CEBU CITY--Matapos ang masakit na 83-89 kabiguan sa sister team Osaka Iridology, bumangon ang Guardo Shiatsu sa pamamagitan ng 83-74 pamamayani kontra M. Lhuillier Jewelers kahapon sa pagpapatuloy ng 2001 CBL President’s Cup sa New Cebu Coliseum.

Ang panalo ay ikalawa ng Reflexologists’ sa kanilang tatlong panalo, habang nalasap naman ng Jewers ang kanilang ikalawang sunod na pagkatalo matapos ang tatlong laro.

Kailangan ng Jewelers na igupo ang Osaka Iridology bukas sa kanilang final elimination match upang makapasok sa final four.

Lumasap naman ang Osaka Iridology ng nakakadismayang 83-88 pagkatalo kontra ML Kwarta Padala.

Show comments