Shell 2T Tricycle King Challenge

Muling ilulunsad ang pinakahihintay na Shell 2T Tricycle King Challenge sa Rizal St., Tagum, Davao City sa darating na Linggo sa pakikipagtulungan ni Mayor Rey Uy.

May 1000 tricycle buhat sa iba’t ibang bike associations ng Tagum ang inaasahang sasali sa paligsahang ito na dulot ng Shell at suportado ng Fuji Films, Office of the Mayor, Office of Transportation and Communication at ng Coca-Cola Davao.

Ito’y isang driving skill contest para sa professional trike drivers kung saan may mapapanalunang malalaking cash prizes sa tournament proper at sa Best Dressed Tricycle category maliban sa libreng Shell 2T gear oil at motor oil, beltbag, t-shirt, cap key chain at towel.

Ang rehistrasyon ay libre sa motorsports event na ito basta’t may dalawang basyong container ng Shell 2T ang mga lalahok at maaaring magpatala sa alas-7 ng umaga sa Oval Plaza. Hanapin lamang ang organizers na sina Lito at Bing Bang Dulce ng RACE Motorsports Club.

Show comments