Bubuksan ang aksiyon ng limang araw na meet na ito sa athletics na may 27 ginto ang paglalabanan at pito naman mula sa swimming.
Gaya ng dapat asahan, mahigpit na paborito ang nakaraang taong PRISAA champion Central Visayas at National Capital Region (NCR) para sa korona.
At dahil na rin sa pagbabawas ng budget, ang event sa athletics ay nakatakdang ganapin sa Gov. Bren Guiao Stadium (dating Pampanga Sports Complex) sa San Fernando, habang magiging punong abala naman ang Rizal Memorial Sports Complex sa swimming events.
Ang iba pang sports disciplines na paglalabanan sa unang araw ng hostilidad ay ang chess, lawn tennis at table tennis. Kinukunsidera ang big city athletes na isa sa mahigpit na paborito kontra sa kanilang mga kalaban mula sa Luzon,Visayas at Mindanao bets.
Ang aksiyon ay magsisimula ganap na alas-6 ng umaga.
Sa kabila nito, nananatiling kumpiyansa si Central Visayas head delegation Matias Bombi" Aznar na malakas ang tsansa ng Visayan athletes na mapanatili ang overall championship.