^

PSN Palaro

Pinoy karatekas sumungkit ng 3 medalyang ginto

-
HONGKONG--Nagbulsa ang Philippine karatedo team ng 12 medalya na kinabibilangan ng tatlong ginto upang tumapos ng ikalawa sa overall sa katatapos lamang na Hongkong invitational tournament sa Kowloon Park Indoor Game Hall dito.

Sinungkit ng mga beteranong internationalits na sina Ryan Bonifacio Mariano, Junel Perania at Kim Torres ng tatlong ginto para sa Pilipinas sa minus 65-kilogram, minus 80-kg at plus 80-kg men’s kumite events, ayon sa pagkakasunod.

Nag-uwi naman sina Dianner Moral, Jerome Laplana at ang men’s kata team nina Salvador "Buddy" Veguillas, Ian Goerge Jereos at Emerson Malolos ng silver, habang bronze naman ang naumit nina Cherli Tugday, Jereos, Reiner de Leon, peter Cardona, Paolo Nicolas Veguillas at men’s kumite squad nina De Leon, Ireneo Soriano, Cardona, Paolo Nicolas Veguillas, Perania, Brandy Mariano at Torres.

"I’m happy with the boys’ showing," ani Philippine Karatedo Federation president Eduardo P. Ponce." This puts our preparations for the Kuala Lumpur Southeast Asian Games on the right track."

Tumapos ang Filipinos ng second overall sa likod ng malakas na Malaysia na mayroong siyam na medalya na kinabibilangan ng pitong ginto. Pumangatlo ang Chinese Taipei (2-3-1) sumunod ang Hongkong B (1-4-4), HK A (1-3-5), Macau (1-2-5) at Singapore (1-0-1).

BRANDY MARIANO

CHERLI TUGDAY

CHINESE TAIPEI

DE LEON

DIANNER MORAL

EDUARDO P

EMERSON MALOLOS

HONGKONG B

IAN GOERGE JEREOS

IRENEO SORIANO

PAOLO NICOLAS VEGUILLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with