Nestea Beach Volley National Open sisimulan na
March 6, 2001 | 12:00am
Muli na namang makakapanood ng matinding aksiyon ang mga panatiko ng beach volleyball ngayong Linggo.
At sa darating na Huwebes, siguradong dadayuin na naman ng mga manonood ang Cultural Center of the Philippines sa muling pagdaraos ng kauna-unahang Nestea Beach Volley National Open.
Aabot sa 32 mahuhusay na amateur at professional player beach volleyball players ng bansa ang inaasahang maglalaban-laban sa ikalawa sa tatlong bahagi ng serye na hatid ng Nestea Ice Tea.
Ito ay kinabibilangan ng mga man-lalaro mula sa national indoor volleyball pool, champion teams mula sa Nestea Inter-Collegiate Beach Volleyball Tournament (na ngayon ay Nestea Beach Volley University Challenge) at maging sa Asian Beach Volley Circuit bets.
Kabilang sa mga prominenteng manlalaro sa naturang kompetisyon sina Joan Botor, ang back-to-back Nestea Inter-Collegiate Beach Volleyball tournament titlist (UST-DX1), Gino Macailan at Elmer Valdez, ang dalawa sa pinaka-mahusay na players ng NCAA.
Makikipaglaban rin para sa titulo ang Southeast Asian Games indoor volley veterans Elvin Pabilonia at Parley Tupaz, habang magsasagawa naman ng kanilang pagbabalik sina Asian Beach Volley Circuit veterans Herminio Gallo, Sheryl Tumayo at Jennifer Buhawe, na pawang naging bahagi ng dating Nestea Inter-Collegiate Beach Volleyball champion teams.
Ang womens champion ng tournament ang siyang sasabak naman sa second Nestea Beach Volleyball Asian Womens Championships na nakatakda sa Marso 30 hanggang Abril 1 sa CCP Complex rin gaganapin.
Kabilang din sa serye ang ikalimang yugto ng Nestea Beach Voleyball University Challenge at ang second Nestea Beach Volley Asian Womens Championships na magsisilbi ring unang yugto ng Asian Beach Volley Circuit.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended