Nakahanda ang 21-anyos na si Camat, sasabak sa light middleweight class at nakabase sa San Francisco, California kung saan siya ay nagtatrabaho bilang furnitures salesman na dalhin ang bansa sa Kuala Lumpur o maging sa darating na 2002 Asian Games sa Korea.
Isinagawa ng kaliweteng si Camat ang kanyang debut para sa national boxing team noong nakaraang taon nang siya ay magpakita ng aksiyon sa taunang Kings Cup sa Thailand, ang tournament na nag-aalok ng awtomatikong slots sa Sydney Olympics para sa silver at gold medalists.
Nakakuha si Camat ng bye sa first round at nakaligtas sa first-round knockdown at sa pagkabali ng kanyang ilong at talunin ang Tsinitong kalaban at umusad ng isang panalo tungo sa Olympic slot.
Subalit siya ay natalo sa isang mahigpitang labanan sa Uzbekistan slugger at sa halip ay nakuntento lamang ito sa bronze.
"First hand I saw how tough a boxer Camat is. And Im sure that he can very well represent the Philippines in the Sea Games or even the Asian Games. This is a welcome development," ani Amateur Boxing of the Philippines president Manny Lopez.
Subalit ang problema ay kailangan muna ni Camat na iwanan ang kanyang trabaho sa Amerika at puwersahin ang kanyang asawa at isang taong anak na lalaki na maisama sa bansa para sa pagsisimula ng kanyang training.
Pero nangangamba si Camat na hindi niya makakayanang suportahan ang kanyang pamilya dito.
"Chris cannot leave his wife who doesnt work at present because child care is so expensive in the US and they are better off with Angie taking care of the baby than having all her income go to child care," wika ng kinatawan ni Camat na si Atty. Jojo Liangco.
At isa lamang ang solusyon sa problema ni Camat ang hanapan siya ng sponsors na siyang aako ng lahat ng gastusin sa pananatili ni Camat at ng pamilya niya sa bansa na hindi bababa sa anim na buwan. (Ulat ni Abac Cordero)