SMBeer nakisosyo sa liderato

Nakabangon ang San Miguel Beer sa dalawang sunod na kabiguan nang kanilang igupo sa ikalawang pagkakataon sa kumperensiyang ito ang Pop Cola Panthers, 78-63 kagabi sa PhilSports Arena.

Ang panalong ito na ikalima ng Beermen sa 7 laro ang nagbalik sa kanila sa pakikisosyo sa liderato sa Shell Velocity, Batang Red Bull ng kasalukuyang All-Filipino Cup.

"We hope that this win will put us in the right track," pahayag ni SMBeer coach Jong Uichico na bagamat nanalo ng apat na titulo sa huling dalawang season ay hindi pa rin nakakakuha ng All-Filipino Cup.

Umabante ang San Miguel ng 15 puntos, 63-48 matapos ang 12-2 salvo na tinapos ng back-to-back basket ni Danny Ildefonso sa bungad ng fourth quarter.

Tumapos si Ildefonso ng 14 puntos sa likod ng 18 at 15 puntos nina Danny Seigle at Nic Belasco, ayon sa pagkakasunod, ngunit nakasama sa 2000 MVP ang kanyang 12 turnovers na tumabla sa all-time low sa mga locals.

Magarbong binuksan ng SMBeer ang laban ngunit naglaho lamang ang naipundar na 10 puntos na pangunguna at hinayaan pang umabante ang Panthers sa 40-36 matapos ang 8-2 run sa ikatlong quarter.

"Talagang masama ang nilalaro ng San Miguel ngayon, especially on the defense," ani Uichico. "Katakot-takot na turnovers ang nagawa namin kaya walang hirap na nakaka-iskor ang Pop Cola."

Nalasap naman ng Pop Cola ang ikalawang sunod na kabiguan, ika-apat sa 7 laro na naging dahilan upang tumabla sila sa defending champion Alaska Aces at Purefoods TJ Hotdogs.

Buhat sa 27-17 pa-ngunguna ng Beermen, umiskor naman ng magka-su-nod na tres sina Pido Jarencio at William Antonio at isang basket mula kay Cris Bolado upang itabla ang iskor sa 27-all.

Umabante ng 9 puntos ang San Miguel sa simula nang labanan, 13-4 ngunit natapos ang first half na tabla ang iskor sa 32-all.

Show comments