Gultiano, kampeon sa 9-Ball Inter-Town Billiard

Kinoronahan ni Franklin Gultiano ang kanyang sarili makaraang ibulsa ang titulo ng San Miguel Bravo Rum Cavite’s Best sa 9-Ball Inter-town Amateur Billiard League’s "Battle of Champions" noong Biyernes sa SM City-Bacoor, Cavite.

Ginapi ni Gultiano, kumatawan sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) si James Galides ng Tagaytay sa race-to-seven rack championship round sa kumbinsidong 7-3 panalo.

Ibinulsa ni Gultiano ang premyong P15,000 cash prize at bagong Minnesota cue stick.

Tumanggap naman si Galides ng P10,000 premyo at tropeo.

Ang iba pang nanalo sa tournament na ito na hatid ng Minnesota cue stick at La Tondeña Inc., ay sina Vicente Cayanan ng Dasmariñas, third place at Raymond Borja ng Rosario na pumang-apat.

Show comments