^

PSN Palaro

Zamboanga wrestlers, dinomina ang National Open

-
Pinayukod ng Zamboanga City ang defending champion Philippine Army upang dominahin ang dalawang araw na First Quarter National Open Wrestling Championship na nagtapos kahapon sa Rizal Memorial Wrestling Gym.

Humakot ang Zamboanga wrestlers ng pitong ginto, walong pilak at apat na tansong medalya kung saan bumandera ang batang si Margarito Angana na nagbulsa ng tig-dalawang ginto at pilak.

Sumablay lamang ang Philippine Army ng tatlong tanso upang mawala sa kanilang mga kamay ang hawak na titulo matapos na maitabla nila ang pitong ginto at pilak ng Zamboanga.

Tumersera ang Las Piñas Wrestling Club sa kanilang ipinosteng 6-2-5 sa tournament na ito, habang tumapos naman ng ikaapat na puwesto ang Philippine Air Force sa kanilang 5-5-4 medal output.

FIRST QUARTER NATIONAL OPEN WRESTLING CHAMPIONSHIP

HUMAKOT

LAS PI

MARGARITO ANGANA

PHILIPPINE AIR FORCE

PHILIPPINE ARMY

RIZAL MEMORIAL WRESTLING GYM

WRESTLING CLUB

ZAMBOANGA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with