Ang nasabing tournament ay inorganisa ng Board Member of Strike Revilla at ng "STRIKE" Billiard Association sa Cavite na ang huling elimination round ay ginanap noong nakaraang Enero 26 hang-gang Pebrero 25.
Ang 14 na koponan ay mula sa Bacoor, Dasmariñas, Imus, Kawit, Tanza, Noveleta, GMA, Silang, Rosario, Car-mona, Tagaytay, General Trias, Naic at Cavite City na siyang nanalo ng kampeonato sa kani-kanilang elimination round.
Tatanggap ang kampeon sa tournament na ito na hatid ng Minnesota cuestick at SM Bacoor ng P15,000 at cuestick trophy, habang ang first-runner ay mag-uuwi naman ng P10,000 cash prize at tropeo.
Magbubulsa naman ang second runner-up ng P4,000 at tropeo at ang 3rd placer ay P3,000.