^

PSN Palaro

Diay, hinirang para mangasiwa ng grassroots program

-
Kinuha ng Philippine Sports Commission ang serbisyo ni dating track star Lydia ‘Diay’ de Vega-Mercado para mangasiwa sa government sports agency grassroots program sa athletics.

"With her outstanding record and vast experience in track and field we feel that Lydia will be a big help in promoting the PSC’s thrust in athletics at the grassroots level," wika ni PSC chairman Carlos Tuason.

Idinagdag pa ni Tuason na ang pagkakahirang kay Lydia ay magsisimula Marso 1 at siya ay magtatrabaho bilang consultant sa opisina ni Commissioner William Ramirez na siyang in-charge sa PSC’s grass-roots at mass-based project gaya ng Batang Pinoy.

Kabilang sa unang trabaho ni Lydia, sinabi ni Tuason, ay magtutungo sa countryside upang i-screen at i-evaluate ang abilidad ng mga athletics instructor kung saan karamihan dito ay nangangailangan na mahasa sa bagong trends ng nasabing palakasan.

"We will also want Lydia to help us scout for budding athletics potentials so that we can begin training them at a tender age to expand our talent pool before turning them over to the track and field association for further development," wika pa ni Tuason.

Isa sa pinaka-outstanding product ng Gintong Alay program noong huling bahagi ng 70’s, si Lydia ang may hawak ng Asia’s track queen nang dominahin nito ang local sports scene at walang naka-agaw nito sa kanya sa nakalipas na ilang dekada.

Isinagawa ng ipinagmamalaki ng Meycauyan, Bulacan ang kanyang international debut sa pamamayani ng dalawang ginto sa 1981 Manila Southeast Asian Games.

BATANG PINOY

CARLOS TUASON

COMMISSIONER WILLIAM RAMIREZ

GINTONG ALAY

LYDIA

MANILA SOUTHEAST ASIAN GAMES

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

TUASON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with