^

PSN Palaro

Padilla, dinomina ang 3 rapid fire events

-
Muling ipinamalas ng muti-titled na si Nathaniel "Tac" Padilla ang kanyang tikas sa local shooting circuit kamakailan nang kanyang donimahin ang tatlong events-rapid fire, center fire at standard pistol sa PSC range Fort Bonifacio.

Tumudla ang 36-anyos na si Padilla, general manager ng Spring Cooking Oil at anak ng dating Olympian Mariano "Tom" Ong ng 576, 563 at 567 puntos sa rapid fire, standard pistol at center fire events, ayon sa pag-kakasunod upang pamunuan ang eliminations para sa Philippine team sa Southeast Asian Games.

"I’m happy with my performance considering that I had little time to practice due to my business commitments," wika ni Padilla na nanalo ng kan-yang kauna-unahang international gold medal makalipas ang 24-taon.

Tinalo ni Padilla sina Carlos Vincent Medina (570) at Inocentes Dionesa (557) sa rapid fire, sina Gilbert Escobar (541) at Dionesa (537) sa standard at Dionesa (560) at Carolino Gonzales (554) sa center fire.

Ngunit nagawa namang bumawi ni Gonzales nang mapagwagian niya ang free pistol event. Siya ay umiskor ng 556 upang igupo sina Marcelo Gonzales (535) at Escobar (531).

Gayunman, binawian rin ni Escobar si Gonzales sa 10-meter air pistol event nang umasinta siya ng 568 para walisin sina Marcelo Gonzales sa pamamagitan ng count-back matapos na mag-tabla sila sa unang puwesto. Pumangatlo si Carolino sa 564.

Isa pang beteranong national shooter Susan Aguado ang nakisosyo sa karangalan ng pangu-nahan niya ang ladies’ 10-meter air pistol at sports pistol competitions.

Bumaril si Aguado ng 368 para pabagsakin sina Therese Cantada (366) at Ma. Lourdes Ramirez (359) sa air pistol at nagtala ng 562 para hiyaing muli sina Ramirez (542) at Cantada (540) sa sport pistol.

CARLOS VINCENT MEDINA

CAROLINO GONZALES

DIONESA

ESCOBAR

FORT BONIFACIO

GILBERT ESCOBAR

GONZALES

MARCELO GONZALES

PADILLA

PISTOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with