Sa edad na 9, nasungkit ni Ngo ang 10 at 12 under titles kontra sa magkahiwalay na kalaban.
Tinalo ni Ngo, top seed sa 10-under ang kalabang si Mark Balce ng Ateneo, 6-3, 6-4 sa finals, bago makalipas lamang ang ilang oras, kanyang isinunod na biktima ang top seed na si Daniel Macalino ng Ateneo, 7-5, 7-5 sa 12-under finals kung saan si Ngo ang seeded 2 sa kategoryang ito.
Muling nabawi ni Lao, 14-anyos ang kanyang supremidad sa 14-under category nang iposte ang 6-1, 6-4 pamamayani kontra Ronald de Castro ng Jose Rizal University sa 14-under class.
Ipinagpatuloy ni Lao, nanalo ng 2000 Burlington Junior Masters ang kanyang pananalasa nang ibulsa naman ang korona sa16-under kontra Bonns Umali ng Jose Rizal University, 6-4, 6-4.
Gayunman, bumangon ang unseeded na si Umali nang kanyang itala ang isang upset na panalo kontra sa rated netters na kinabibilangan ng seed 3 Danilo Olosin, 6-3, 6-3 sa quarters bago ginapi rin niya si top seed Mario Palanca ng Roosevelt College sa semis, 6-2, 6-2 upang makarating sa kanyang unang finals slot sa 16-under matapos ang mahabang pagbabakasyon.