Pacquital sinipa ni Maga sa Open Active Chessfest

Dinaig ni National Master Mirabeau Maga si Macky Pacquital na naglagay ng five way tie matapos ang apat na rounds ng V. Luna Invitational Open Active chess tournament.

Si Maga, top board player ng QC vice mayor Connie Angeles chess team sa nalalapit na NCFP National Intercities and Municipalities chess team championship na nakatakda sa Marso 3, ay gumamit ng Sicillian Defense upang pabagsakin sa loob ng 40 sulungan si IM Chito Garma, IM Barlo Nadera, NM Rolly Martinez at NM Yves Ranola.
Nag-draw naman sina Garma at Nadera matapos ang 35 moves ng French Defense at tinalo nina Martinez at Ranola si IM Ricardo De Guzman na nanalo kay NM Jerome Balico.

Show comments